ALAALA NI BATMAN
Ano ba yun
Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun.
Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala
rin si Kris Aquino, wala pa si boy Abunda. Sikat pa si german Moreno
nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una
kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sarili
ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang
kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero
hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang
gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang
galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.
Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong
nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot
and Friends at saka That's Entertainment. Pero ako, isa lang talaga
ang gusto kong panoorin siya ring na idol na idol na idol na idol
ko talaga (Idooool!).
Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di
bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang
relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi
ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay
na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman.
Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo,
sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na
mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong
binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng
Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo
naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun,
at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang
ticket line kaya yun, natanggal.
Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng
tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho
mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking
kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na
aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at
kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na
ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mga
kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan pero
yun pala'y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mga hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na
matiis. Hindi ko na kaya....